ππ¨π°π΄π΅π° 18β29, 2025 β May temang βππ’π¨ππͺπ―π’π―π¨ π΄π’ ππͺππͺπ±πͺπ―π° π’π΅ ππ’π΅πΆπ΅πΆπ£π°π―π¨ ππͺπ¬π’: ππ’π¬π’π΄π’πΊπ΄π’πΊπ’π― π΄π’ ππ’π¨π¬π’π¬π’πͺπ΄π’ π―π¨ ππ’π―π΄π’β, ipinamalas ng mga kadete ng Philippine Public Safety Academy (PPSA) ang kanilang malasakit sa bayan at matibay na pagpapahalaga sa wikang Filipino at sa ating mga katutubong wika.
Sa larangan ng akademiko, tampok ang husay at talino ng mga kadete sa Pagsulat ng Sanaysay at Tula, Talumpating Biglaan, Talumpating Maluwag, Debate, at Deklamasyon. Sa pamamagitan ng mga ito, higit nilang binigyang-buhay at saysay ang ating wikang pambansa at kultura.
Kasunod nito, muling nabuhay ang sigla ng tradisyunal na Larong Pinoy gaya ng Tumbang Preso, Agawan Buko, Hilaang Lubid, Piko, Chinese Garter, Laro ng Limbo, at Pukpok Palayok. Dito umusbong ang kasiyahan, samahan, at malikhaing diwa ng mga kabataanβpatunay ng diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at pagmamahal sa sariling kultura.
Sa kabuuan, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa PPSA ay naging higit pa sa pagpapakita ng talento at lakas ng mga kadete. Ito rin ay nagsilbing makabuluhang paggunita at pagpapatibay sa ating pagkakakilanlan bilang isang bayan, at sa wikang Filipino bilang haligi ng ating pagkakaisa.



















