Higit sa lahat, serbisyo!
Bilang pagsuporta sa paglulunsad ng Brigada Eskwela 2023 na may gabay na temang “Brigada Eskwela: Bayanihan para sa Matatag na Paaralan”, ang Philippine Public Safety Academy ay nakiisa na ihanda ang paaralan ng Camp Vicente Lim Integrated School at Canlubang Elementary School noong ika-17 at 18 ng Agosto, 2023.
Ang mga opisyal, empleyado, at mga kadete ng PPSA Class 2024 at 2025 ay masigasig na nakibahagi sa pagbabayahihan upang linisin at pagandahin ang eskwelahan para sa pagbubukas ng klase sa taong panuruan 2023-2024.
Katuwang ang mga guro, mga magulang, at iba pang mga nagprisinta, natapos at naisaayos ang mga silid-aralan at ang kapaligiran, na siyang ipinagpasalamat ng pamunuan ng mga eskwelahan.
Sa ikalawang araw ng aktibidad, nagpahayag ng pasasalamat si JINSP JOSEPHINE Z COMPONION, Hepe ng Public Information Office, sa mga kalahok ng Brigada Eskwela, lalo na sa mga kadete, sa kanilang partisipasyon sa programa, na hindi lamang nakatulong sa mga paaralan kundi nagdudulot din ng responsibilidad at serbisyo sa komunidad sa mga kadete. Binigyang-diin niya na ang pagtutulungan ng PPSA at ng mga paaralan ay magkakaroon ng positibong epekto sa pangkalahatang karanasan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Patuloy ang PPSA sa pakikiisa sa layunin ng Kagawaran ng Edukasyon na sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, ay mas lalong mapagtibay ang pagbabayanihan para sa patuloy na pagbigay ng dekalidad at maayos na edukasyon ang kabataang Pilipino.