Ika-124 Araw ng Kalayaan

Mabuhay ang Pilipinas
Araw ng Kalayaan

Ika-124 Pagdiriwang ng Kalayaan ng Pilipinas.

Taong Isanglibo Walongraan Siyamnaputwalo unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas. Isang makasaysayang kaganapan na tanda ng ating kasarinlan. Kasarinlan mula sa pananakop ng dayuhan. Kasarinlan mula sa pang aapi ng ibang lahi. At higit sa lahat kasarinlan upang mabuhay ng walang takot at malaya sa sariling bansa.

Ngayong araw, ika labing-dalawa ng Hunyo taong dalawang libo dalawampu’t dalawa (Hunyo 12, 2022) isa nanamang makasaysayang kaganapan ang tatala sa kasaysayan ng Philippine Public Safety Academy. Sa ilalim ng pamumuno ni PLTGEN RICARDO F DE LEON (Ret), President, Philippine Public Safety College, at direktang pangangasiwa ni JSSUPT LEONALYN O OLOAN, Director, PPSA, kasama ang mga opisyal at kadete ng PPSA ay nakapagsagawa ng kauna unahang seremonya ng pagtaas ng watawat ng Pilipinas sa harap ng gusali ng Philippine Public Safety Academy, NFSTI Compound, Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna.

Ang seremonya ay isinagawa bilang pag alala at pagpupugay sa kabayanihan ng mga Pilipinong nakipaglaban para sa kasarinlan ng ating bayan. Mabuhay ang ating Kalayaan. Mabuhay ang Pilipinas!

Categories: Featured News, Top Story, Trending

Leave a comment