Agosto 21, 2025 โ€“ Matagumpay na isinagawa ng Philippine Public Safety Academy (PPSA) ang isang seminar sa pamumuno na ginanap sa NFSTI/PPSA Compound, Camp Vicente Lim, Barangay Mayapa, Calamba, Laguna.

Pinangunahan ni ๐†๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง๐  ๐†๐ž๐ซ๐ข ๐†๐š๐ฆ๐›๐š๐ฅ๐š ang naturang seminar na nagbigay-diin sa kahalagahan ng disiplina, epektibong komunikasyon, at ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฑ, mga pundasyong kinakailangan ng isang tunay na pinuno. Sa pamamagitan ng kanyang karanasan at talino, binigyang-inspirasyon niya ang mga bagong kadete upang makita ang pamumuno hindi lamang bilang kapangyarihan, kundi bilang responsibilidad at serbisyo para sa kapwa at sa bayan.

Para sa mga bagong kadete, ito ay nagsilbing โ€œpagsasanayโ€ sa loob ng pagsasanay at isang pagkakataon upang matutong humubog ng sarili, magpakita ng katatagan, at maging huwaran ng integridad. Ang seminar na ito ay naging mitsa rin ng kanilang mas malalim na pag-unawa na ang pagiging pinuno ay hindi nagtatapos sa utos, kundi nagsisimula sa pagpapakumbaba, pag-unawa, at malasakit.

#LeadershipSeminar

#TransformationalLeadership

#MamunoAtMaglingkodNangMayTapangAtIntegridad

#TatakPPSA

Latest

Philippine Public Safety College

error: Content is protected !!