Philippine Public Safety Academy
Lead and Serve with Courage and Integrity
Agosto 16, 2025— Sumailalim ang mga kadete ng Philippine Public Safety Academy (PPSA) sa masusing inspeksyon ng kanilang barracks na pinamunuan ng Komandante ng mga Kadete, JCINSP MARK ANTHONY S SAQUING, kasama ang iba pang mga opisyal at kawani ng PPSA.
Hindi lamang kalinisan at kaayusan ang binibigyang-diin sa ganitong pagsusuri, kundi isang paalala na ang bawat kadete ay patuloy na hinuhubog sa landas ng disiplina na mahalaga sa tungkulin nila bilang mga haligi ng pampublikong kaligtasan.
Matapos nito ay isinagawa ang inspeksyon ng ranggo sa PNP Regional Office 4A Grandstand and Parade Grounds, na nagwakas sa isang makabuluhang Pasamasid.
Patuloy na pinatitibay ng PPSA ang misyon nitong hubugin ang mga kadete upang maging matatag na lider at makataong opisyal, handang ialay ang kanilang sarili para sa kahusayan sa paglilingkod-bayan.