Layuning kilalanin, pag-aralan, at gunitain ng Philippine Public Safety Academy ang mga pook na naging lubhang mahalagang balangkas sa kasaysayan ng Pilipinas. Kaya naman isang lakbay-aral ang isinagawa noon ika-23 ng Agosto 2023 upang hubogin ang pagkatuto ng mga kadete na nabibilang sa PPSA Class of 2025 sa naging istorya ng bansa sa pagkamit ng kasarinlan.
Kabilang sa saklaw ng lakbay-aral ay ang pagbisita sa Bahay ni Rizal sa Calamba, sa Museo ni Malvar, at sa Museo ni Mabini. Sa pamamagitan ng paglalakbay-aral na ito, sila’y nakapagbalik-tanaw at mas naunawaan ang kasaysayan alinsunod na rin sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan. Ito rin ay nagsilbing pananaliksik sa kasaysayan sa pamamaraan ng pagsuri ng sariling kamalayan patungkol sa mga makabuluhang pangyayaring naganap sa bansa.