๐๐จ๐ฐ๐ด๐ต๐ฐ 18โ29, 2025 โ May temang โ๐๐ข๐จ๐ญ๐ช๐ฏ๐ข๐ฏ๐จ ๐ด๐ข ๐๐ช๐ญ๐ช๐ฑ๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ข๐ต ๐๐ข๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ฃ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ฌ๐ข: ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐บ๐ด๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ด๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐ด๐ขโ, ipinamalas ng mga kadete ng Philippine Public Safety Academy (PPSA) ang kanilang malasakit sa bayan at matibay na pagpapahalaga sa wikang Filipino at sa ating mga katutubong wika.
Sa larangan ng akademiko, tampok ang husay at talino ng mga kadete sa Pagsulat ng Sanaysay at Tula, Talumpating Biglaan, Talumpating Maluwag, Debate, at Deklamasyon. Sa pamamagitan ng mga ito, higit nilang binigyang-buhay at saysay ang ating wikang pambansa at kultura.
Kasunod nito, muling nabuhay ang sigla ng tradisyunal na Larong Pinoy gaya ng Tumbang Preso, Agawan Buko, Hilaang Lubid, Piko, Chinese Garter, Laro ng Limbo, at Pukpok Palayok. Dito umusbong ang kasiyahan, samahan, at malikhaing diwa ng mga kabataanโpatunay ng diwa ng pagkakaisa, bayanihan, at pagmamahal sa sariling kultura.
Sa kabuuan, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa PPSA ay naging higit pa sa pagpapakita ng talento at lakas ng mga kadete. Ito rin ay nagsilbing makabuluhang paggunita at pagpapatibay sa ating pagkakakilanlan bilang isang bayan, at sa wikang Filipino bilang haligi ng ating pagkakaisa.



















