๐๐๐๐๐๐ 19, 2025 โ Dumalo ang PPSA Class of 2027 sa isang araw na talakayan hinggil sa ๐ฉ๐ฎ๐น๐๐ฒ๐ ๐๐น๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป at ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ na pinangunahan at ibinahagi ni ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, Pangrehiyong Direktor ng Kawanihan ng Pamamahala sa Piitan at PenolohiyaโRehiyon ng Isla ng Negros. Ang nasabing gawain ay idinaos sa PPSA Compound, Camp Vicente Lim, Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna.
Nilalayon ng talakayang ito na pagtibayin ang pag-unawa ng mga kadete sa mahahalagang pagpapahalagang etikal tulad ng integridad, disiplina, at propesyonalismo, gayundin ang pagbibigay-kaalaman sa tamang pamamahala ng pananalapi upang makagawa sila ng matalinong desisyon para sa pangmatagalang katatagan at seguridad.
Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, ipinakikita ang pagsisikap ng PPSA sa holistikong paghubog ng susunod na henerasyon ng mga lider sa pampublikong kaligtasan.





