𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 πŸπŸ–, πŸπŸŽπŸπŸ“ | Pinangunahan ng Philippine Public Safety Academy (PPSA) ang tradisyunal na Seremonya ng Pagtaas ng Watawat ng Pilipinas na ginanap sa NFSTI Compound, Camp Vicente Lim, Mayapa, Calamba City, Laguna, kasama ang mga estudyante at personnel ng Pambansang Dalubhasaan ng Pamporensikong Pagsasanay.

Ang seremonya ay mas lalong naging makabuluhan dahil sa mensahe ni CDT 3C JIMSON A TAYONG na may temang β€œπ˜π˜―π˜°π˜£π˜’π˜΄π˜Ίπ˜°π˜―β€. Kanyang ibinahagi na ito ay hindi lamang nakikita sa malalaking imbensyon kundi maging sa simpleng pagpapahusay ng mga proseso at makabagong paraan ng paglilingkod.

Ipinunto niya na ang PPSA mismo, kasama ang No-Hazing Policy at makabagong kurikulum, ay halimbawa ng inobasyon na humuhubog sa mga kadete upang maging mga lider na may tapang, integridad, at malasakit. Dagdag pa rito, kanyang binigyang-diin na ang tunay na inobasyon ay nagiging makabuluhan lamang kapag ito ay isinabuhay para sa ikabubuti ng nakararami.

Sa pagtatapos ng programa, muling ipinaalala na ang diwa ng inobasyon ay dapat isabuhay hindi lamang sa salita kundi sa gawa, upang magsilbing gabay sa mas makabuluhang paglilingkod sa bayan.

#MamunoAtMaglingkodNangMayTapangAtIntegridad

#SeremonyaNgPagtaasNgWatawat

#TatakPPSA

Philippine Public Safety College

error: Content is protected !!