August 4, 2025– Ang Philippine Public Safety Academy (PPSA) ay nagkaroon ng makabuluhang seremonya ng pagtaas ng Watawat ng Pilipinas, na ginanap sa Camp Vicente Lim, NFSTI Compound, Mayapa, Calamba City, Laguna.

Nagsilbing tagapagsalita si CDT 3C JOSEPH G VALDEZ, na sa kanyang talumpati ay binigyang-diin ang kahulugan ng salitang “BISYON”, isang apoy na likas sa puso ng bawat Pilipino. Sa kanyang salaysay ito ay nagbibigay lakas upang harapin ang bawat umaga, at ang pangarap, na kapag pinanghawakan at pinagpaguran, ay nagiging daan tungo sa katuparan.

Sinundan naman ito ng makulay na pagbubukas ng selebrasyon ng Buwan ng Wika na pinangunahan ni JCINSP MARK ANTHONY S SAQUING, Punong Tagapamahala ng mga Kadete. Mas lalo pang nabigyang-buhay ang diwa ng pagiging Pilipino nang inalay ng Cadet Combo ng Philippine Public Safety Academy ang kanilang natatanging pagtatanghal ng mga awiting Pilipino na may tinig na puno ng damdamin at pagmamalaki sa ating kultura.

Sa PPSA, hindi lamang ipinagdiriwang ang wika at sining, bagkos isinasabuhay din ang diwa ng pagiging tunay na Pilipino.

#MamunoAtMaglingkodNangMayTapangAtIntegridad

#SeremonyaNgPagtaasNgWatawat

#TatakPPSA

Philippine Public Safety College

error: Content is protected !!